2021 National Festival of Talents

Huwag palampasin ang pagdiriwang ng galing at talento ng mga Pilipinong mag-aaral sa kani-kanilang displina, mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa temang “Demonstrating Resiliency of Learners During the COVID-19 Pandemic through Showcasing of Skills and Talents,” abangan ang virtual showcase ng National Festival of Talents na inorganisa ng Department of Education sa pamamagitan ng Curriculum and Instruction strand na pinangungunahan ng Bureau of Learning Delivery (BLD).

Mapapanood ang livestream ng NFOT sa ating DepEd Philippines Facebook page mula Enero 24 hanggang 28, 2022.